Planong MyPlate
Available ang mga Planong MyPlate sa 9 na iba’t ibang wika at iniangkop ang mga ito sa kultura para maipakita ang mga gustong pagkain ng mga kulturang ito.
Piliin ang gusto mong wika sa ibaba:
Hindi sigurado kung aling pang-araw-araw na antas ng calorie ang angkop para sa iyo? Magsimula sa aming MyPlate Calculator.
Pinapakita ng MyPlate Plan* ang mga target mo sa grupo ng pagkain – ano at gaano ang kakainin sa loob ng iyong calorie allowance.
Ang plan mo sa pagkain at pinasadya, batay sa iyong: edad, kasarian, taas, timbang, at lebel ng pisikal na aktibidad. Ang MyPlate Plan ay available din sa Arabic, Chinese (Simplified at Traditional), Hmong, Korean, Russian, Spanish, Tagalog, at Vietnamese.
Paalala: Kung gumagamit ka ng mobile device, maaaring kailangan mong i-rotate ang telepono mo para makita ang buong table.
Makipag-usap sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa angkop na pattern ng pagkain at programa ng pisikal na aktibidad na akma para sa iyo.
*Ang MyPlate Plan calculator ay gumagamit ng magkakaibang formula batay sa edad ng user, at ang mga karagdagang salik sa pag-adjust ay maaaring ilapat batay sa ibang impormasyong inilagay ng user.
Sa pangkalahatan, para sa mga edad na 12 buwan hanggang 8 taong gulang ang Dietary Reference Intakes (2002)** ang ginagamit. Para sa mga edad na 9-18 taong gulang, ang Estimate Energy Requirement (EER) formulas (2006)** ay ginagamit sa mga salik na inilalapat batay sa Body Mass Index (BMI) percentile. Para sa mga edad na 19+, ang Estimate Energy Requirement (EER) formulas (2006)** ay ginagamit na ang mga salik ay inilalapat batay sa kalkuladong BMI. Mga kalkulasyon para sa mga taong buntis o nagpapasuso ay iba-iba batay sa edad at mga ibang salik.